Lunes, Nobyembre 5, 2018


Ang Paborito kong Pagkain
Ang putaheng sinigang na karne ng baboy ay isa sa mga paborito kong pagkain dahil mahalig ako sa mga maasim na pagkain. Ang sinigang ay isang klase ng sinabawang luto kung saan ito nilalagyan ng sampalok bilang pangunahing sangkap na nagsisilbing pampaasim at pampasarap sa ulam. Para sa akin, patok na patok sa aking panlasa ang sinigang na karne ng baboy lalo na’t kung itoy sinabayan ng mainit na kanin.

Ang mga sangkap ng sinigang na karne ng baboy ay ang mga sumusunod:
1  .       Sariwang karne ng baboy
2  .      Sariwang sitaw
3  .       Sibuyas
4  .      Sampalok
5  .      Kangkong
6  .       Gabi
7  .      Kamatis
8  .      Mga iba pang pampalasa

Ang pagluluto ng sinigang ay sadyang napakadali:
1    .       Pakuluin ang sampalok kunin ang katas nito
2  .       Pakulin ang karne
3  .       Ilagay ang sibuyas, kamatis at katas ng sampalok
4  .       Ilagay ang gabi
5  .       Ilagay ang sitaw
6  .       Pag lumambot na ang mga sangkap maaari ng ilagay ang kangkong
7  .       Timplahin sa naaayong panlasa

Para sa akin, ang ulam na ito ay sadyang napakasarap at masustansiya lalo nat kapag ang sabaw nitoy maasim asim at malasang malasa. Samahan mo pa ng siling labuyo at mainit na kanin tiyak na mauubos ang sinaing. Isa ito sa aking mga paborito dahil pag akoy pagod itoy nagpapasigla at nagbibigay ng gana sa akin. Ang pagkain ng sinigay ay sadyang nakakabusog siguradong ang inihain na kanin ay talagang mauubos. Sa lasa nitong maasim asim siguradong pagkagutom mo’y di mabibitin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento